このページの本文へ移動

動物検疫所

メニュー

Paglalabas ng mga produkto mula sa hayop na mula sa Japan

icon_arrowAng gabay na ito ay tungkol sa paglalabas ng mga produktong mula sa mga hayop palabas ng Japan. Tingnan ninyo ang giya ng pagpadala ng produkto ng hayop sa Japan gaking sa ibang bansa. 

Ang mga bagay na mula sa hayop ay kinakailangan sumailalim sa pagsusuri para sa pagluluwas

Ang mga bagay na hindi sumailalim sa inspeksyon para sa export quarantine ay hindi maaring ilabas ng Japan, gaano man ito kadami, anuman ang layunin ng paggamit (pansariling gamit, pang-benta), paraan ng pagdadala (hand-luggage, kargo).

Nais naming ipaalam sa inyo na maari kayong mapatawan ng kaparusahan para sa pagluluwas mula sa bansa ng mga ilegal na bagay.

exmeat_1exmeat_2Maging maingat sa pagdadala ng mga processed meat! (pagluluwas, paalaala o subenir)(PDF:1,290KB) 

 

Para sa pagluluwas mula sa Japan ng mga produktong mula sa hayop papunta sa ibang bansa

export1_phyajirushiexport2_phyajirushiexport3_ph

  

1.Kumpirmahin "kung ito ay nasasaklaw ng inspeksyon para sa export quarantine" at "ang mga kinakailangan para sa pag-aangkat sa pupuntahang bansa".

Ito ay tumutukoy sa mga "bagay na nasasaklaw sa quarantine ng hayop ng Japan" at "mga bagay na, kung i-aangkat sa bansang pupuntahan, ay nangangailangan ng katibayan na magpapatunay na hindi ito nagkakalat ng mga sakit ng hayop."

<Mga bagay na nasasaklaw ng quarantine ng mga hayop>meat

Ito ay naaangkop sa mga sumusunod na bagay na mula sa mga hayop na ang paa ay nahahati sa dalawang daliri  (baka, baboy, kambing at usa), kabayo, poultry (*), aso, kuneho at bubuyog.

*Poultry: Manok, pugo, pheasant, ostrich, guinea fowl at pabo, bibe, gansa, at iba pang anseriformes.

●Karne, lamang-loob

Anumang uri ng karne/lamang-loob (ito man ay hilaw, processed na produkto, pinalamig, frozen, luto, at iba pa) ay isasailalim sa quarantine ng mga hayop.

Halimbawa ng mga processed na produkto: Jerky, ham, sausage, bacon, meat bun, at iba pa.

●Itlog (kabilang ang balat ng itlog)

●Buto, taba, dugo, balat, buhok, balahibo, sungay, paa/kuko, litid

Mga produktong tulad ng bag na yari sa balat, sweater na yari sa balahibo ng tupa, ay hindi kasali.

●Sariwang gatas, semen, fertilized na itlog, hindi fertilized na itlog, dumi, ihi

 

<Mga bagay na nangangailangan ng katibayan sa mga bansang pupuntahan>

Siguruhin sa mga awtoridad ng quarantine ng bansang pupuntahan na "ito ay maaring dalhin" at "anong uri ng katibayan ang kinakailangan upang madala ito".

Kahit ang mga bagay ay hindi nasasaklaw ng quarantine ng mga hayop sa Japan, ngunit kailangan ng katibayan na magpapatunay na hindi ang mga ito nagpapalaganap ng sakit ng hayop, kailangan sumailalim sa inspeksyon para sa export quarantine sa Animal Quarantine Service bago pa man umalis ng Japan.

 

2.Kumpirmahin kung may ipinapatupad na suspensyon para sa pagluluwas

Mayroong mga bansa na nagpapatupad ng suspensyon para sa pagdadala ng mga produktong karne, at iba pa, mula sa Japan.

Hindi kami makakapag-isyu ng katibayan ng export quarantine kung ang pupuntahang bansa ay may ipinapatupad na suspensyon para sa pagdadala ng mga ganitong bagay.

Sumangguni dito (impormasyon tungkol sa ipinapatupad na suspensyon sa pag-aangkat at pagluluwas) para sa mga bansa na may ipinapatupad na suspensyon sa pagdadala ng mga bagay mula sa Japan.  

 

3.Sumailalim sa inspeksyon ng bagay na iluluwas sa Animal Quarantine Service bago kayo umalis

Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa Animal Quarantine Service sa paliparan o daungan upang magsaayos ng inspeksyon para sa export quarantine.

Ang mga dokumentong kinakailangan ay maiiba depende sa mga kinakailangan para sa pag-aangkat ng bansang pupuntahan.

Maaring magtagal ang proseso para sa mga preadjustment at kumpirmasyonng mga detalye kaya't hangga't maari ay makipag-ugnayan nang mas maaga.

 

Mga Karaniwang Tanong 

Q1:Maari ko bang dalhin sa ibang bansa ang ham na binili ko sa isang supermarket sa Japan?

A1:Kung pumapayag ang bansang pupuntahan na dalhin ito, at kung matugunan ninyo ang mga kinakailangan para sa pag-aangkat, maari ninyong dalhin palabas ng Japan ang mga bagay na pumasa sa inspeksyon para sa export quarantine sa Animal Quarantine Service.

Q2:Gaano katagal ang inspeksyon para sa export quarantine?

A2:Depende sa kinakailangan para sa pag-aangkat ng bansang inyong pupuntahan. Matapos ninyong kumpirmahin ang mga patakaran at kondisyon sa pagdadala ng mga bagay sa bansang pupuntahan, kaagad na makipag-ugnayan sa Animal Quarantine Service sa paliparan o daungan.

 

 

Upang makita ang PDF files, kailangan ninyo ng Adobe Acrobat Reader. Kung wala kayong Adobe Reader, i-download ito mula sa banner link.Adobe Readerのダウンロードページへ