Mga Request sa mga Pupunta sa Japan(タガログ語)

Talaan ng Nilalaman
Ilegal ang pagdadala ng mga prutas, gulay, karne, at mga produktong gawa sa karne sa Japan
Ang pagdadala ng mga prutas, gulay, iba pang mga halaman, karne, at mga produktong gawa sa karne sa Japan ay istriktong kinokontrol sa ilalim ng batas ng Japan, kaya maraming bagay ang hindi pwedeng madala sa dito. Kung ilegal kang nagdala ng mga prutas, gulay, atbp., at mga karne o mga produktong gawa sa karne sa Japan, ikaw ay papatawan ng parusa (pagkakulong ng hanggang 3 taon o multa ng hanggang 3 milyong yen (multang hindi hihigit sa 50 milyong yen para sa mga korporasyon, atbp.))
- Kung matukoy na ito ay mga malisyosyong dalahin, ire-report ito sa pulisya
- Ilang tao na ang inaresto dahil sa ilegal na pagdadala ng mga bagay sa Japan
Mga bagay na hindi maaaring dalhin sa Japan
Mga prutas, gulay, atbp
Karamihan sa mga prutas at gulay ay ipinagbabawal na dalhin sa Japan.
Bukod pa rito, kahit para sa mga halaman na hindi ipinagbabawal na dalhin sa bansa (punla, buto, butil, uri ng beans, atbp.), kinakailangan ang isang Sertipiko ng Inspeksyon (Phytosanitary Certificate) na inisyu ng ahensya ng gobyerno ng bansang inaangkatan. Mangyaring tandaan na bilang karagdagan sa mga halaman, ang pagdadala ng lupa at mga buhay na insekto ay ipinagbabawal din. Pakitandaan din na ang mga in-flight na pagkain na naglalaman ng mga hilaw na prutas at gulay ay hindi pinapayagang dalhin sa carry-on, kaya't mangyaring kainin ang inyong mga in-flight na pagkain sa eroplano at huwag magdala ng anumang natira mula sa eroplano sa inyong pagbaba.
Mga halimbawa ng mga prutas at gulay na ipinagbabawal na dalhin
Mangga, longan, bayabas, lychee, sili, mga uri ng citrus, peras, mansanas, mga in-flight na pagkain (mga sandwich, hiniwang prutas, atbp.)
Karne at mga produktong gawa sa karne
Sa prinsipyo, ang pagdadala ng karne at mga produktong gawa sa karne ay ipinagbabawal.
Hindi lang mga produktong may karne bilang pangunahing sangkap tulad ng hilaw na ham, sausage, salami, bacon, at jerky, kundi pati na rin ang mga produktong may kaunting karne bilang sangkap, tulad ng nikuman (tinapay na may palamang karne), gyoza, hamburger, ham sandwiches, at kimbap, at mga produktong tulad nito ay hindi pwedeng dalhin. Gayundin, walang mga eksepsiyon para sa mga produktong na naka-vacuum, niluto, ibinebenta sa mga duty-free na mga tindahan sa mga paliparan, o mga item na may label na Japanese. Ang mga in-flight na pagkain na naglalaman ng mga produktong gawa sa karne ay hindi rin pinahihintulutang dalhin, kaya't mangyaring kainin ang inyong mga in-flight na pagkain sa eroplano at huwag magdala ng anumang natira mula sa eroplano sa inyong pagbaba.
Halimbawa ng karne at mga produktong gawa sa karne na ipinagbabawal na dalhin
Sariwang karne, jerky/tuyong karne, ham/hilaw na ham/sausage/salami, bacon, lutong karne, nikuman (tinapay na may palamang karne), gyoza na may palamang karne, momiji (paa ng manok), ham sandwich, hamburger, kimbap, nikumatsu mochi (meat floss mochi), in-flight na pagkain, atbp.
Mga dahilan kung bakit hindi ito dapat dalhin sa Japan
Ito ay upang maiwasan ang mga peste ng halaman at mga nakakahawang sakit ng hayop na makapasok sa Japan mula sa ibang bansa.
May mga peste at sakit mula sa ibang bansa na nagdudulot ng malubhang pinsala sa mga halaman, tulad ng citrus fruit fly at fire blight. May panganib na ang mga peste at sakit ay kumapit sa mga prutas at gulay at makapasok sa Japan, kaya bilang prinsipyo, ipinagbabawal ang pagdadala ng mga gulay, atbp. na may daladalang mga peste at sakit.
Bilang karagdagan, ang mga nakakahawang sakit sa hayop, tulad ng foot-and-mouth disease at African swine fever (ASF), na kumakalat sa ibang bansa ngunit hindi pa naitatala sa Japan. Ang mga sakit na ito ay kilala na naipapasa sa pamamagitan ng karne at mga produktong gawa sa karne, at maraming mga ulat ng mga kaso ng nakakahawang sakit sa hayop na kumakalat hanggang sa malalayong mga bansa sa pamamagitan ng karne. Dahil dito, ipinagbabawal ang pagdadala ng karne at mga produktong gawa sa karne sa Japan.


Mga paalaala
Pakitandaan na ang lahat ng prutas, gulay, karne, atbp, at mga produktong gawa sa karne na dinadala sa Japan sa pamamagitan ng kargo, personal na bagay (personal effects), o internasyonal na koreo (international courier) ay napapailalim sa mga regulasyon, anuman ang dami o kung pangkomersyal man o pampersonal man na paggamit.

Bilang karagdagan, tulad ng nabanggit sa itaas, ang iba't-ibang mga sakit na nakakahawang hayop, kabilang ang African swine fever, ay nangyayari sa ibang bansa. May posibilidad na ang mga pathogen ng hayop ay maaaring kumapit sa inyong mga damit o sapatos at madala sa Japan sa pamamagitan ng paghawak sa mga hayop o pagtapak sa lupa sa isang agrikultural na lugar (sakahan). Bago byumahe patungong Japan, mangyaring iwasang pumunta sa mga pasilidad kung saan pinananatili ang mga hayop o mga pamilihan kung saan ibinebenta ang mga buhay na hayop. Kung humawak sa mga hayop o pumunta sa isang agrikultural na lugar (sakahan) bago byumahe patungong Japan, mangyaring pumunta sa counter ng animal quarantine pagdating sa Japan at ipa-disinfect ang inyong mga sapatos at damit.

Inspeksyon sa pagdating sa Japan
Sa mga paliparan, mga daungan at mga tanggapan ng koreo (post office), sinusuri ng mga inspektor mula sa Plant Protection Station at Animal Quarantine Station kung ang mga bagahe at koreo ay naglalaman ng mga ipinagbabawal na bagay o hindi. Bilang karagdagan sa mga inspektor na nagtatanong tungkol sa pagkakaroon ng mga ipinagbabawal na bagay, ginagamit din ang mga asong pang-detect ng animal at plant quarantine items upang singhutin at mahanap ang mga ipinagbabawal na bagay. Maaaring tignan ang loob ng mga bagahe o mail para sa mga layunin ng pag-iinspeksyon, kaya hinihiling ang inyong kooperasyon. Bilang karagdagan, dahil ang impormasyon ng pasaporte at impormasyon ng boarding pass ay maaaring maitala sa panahon ng proseso ng inspeksyon, maaaring tumagal ng ilang sandali ang inspeksyon. Salamat sa inyong pag-unawa.

Mangyaring ipaalam sa mga kapamilya, mga kaibigan, at iba pang mga tao sa paligid ninyo na hindi maaaring magdala ng mga prutas, gulay, karne, at mga produktong gawa sa karne sa Japan, at bawal ipadala ang mga produktong ito patungo sa mga tao na nasa Japan sa pamamagitan ng internasyonal na koreo.
Iba pang impormasyon sa sanggunian
- Pagdadala ng produktong mula sa hayop mula sa ibang bansa patungo sa Japan
- Tungkol sa pagdadala ng mga halaman
- Hindi ka dapat magdala ng anumang mga produktong karne, gulay o prutas sa Japan.(PDF:333KB)












