このページの本文へ移動

植物防疫所

メニュー

Mga Karaniwang Tanong (Dako ng Pag-export)


Q1
Paano isinasagawa ang export inspection?
Q2
Saan maaaring magpa-export inspection?
Q3
Isinasagawa ba ang export inspection sa kabuuang bilang ng halaman?
Q4
Gaano katagal ang kinakailangang oras para sa export inspection?
Q5
May bayad ba ang export inspection?
Q6
Ano ang mangyayari kung mag-eexport ng halamang hindi na-export inspection?
Q7
Ano ang dapat gawin upang makakuha ng import permit?
Q8 Ano ang dapat gawin upang makapagdala ng bulaklak, prutas, atbp. sa paglalakbay sa ibang bansa?
Q9 Maaari bang magpadala ng halaman sa ibang bansa sa pamamagitan ng internasyonal na koreo o internasyonal na courier?
Q10 Ano ang dapat gawin upang makapagpadala ng mga punla at binhi sa mga kakilala sa ibang bansa?
Q11
Paano isinasagawa ang growing site inspection?
Q12 Ano ang mga uri ng halamang nangangailangan ng growing site inspection?
Q13 Kailangan ba ng inspeksyon kung magdadala sa ibang bansa ng preserved flowers?
Q14 Maaari bang i-export ang Japanese white pine bonsai?
Q15 Kailangan ba ng inspeksyon kung mag-eexport ng punla ng cactus o orchid?
Q16 Kailangan ba ng inspeksyon kung mag-eexport ng damong-dagat?
Q17 Mayroon bang ibang mga regulasyon atbp. maliban sa plant quarantine kapag mag-eexport ng halaman sa ibang bansa?

 


Q1 Paano isinasagawa ang export inspection?
A Kapag mag-eexport ng halaman, kinakailangang sumunod sa kondisyon ng plant quarantine ng partner na bansa. Kinukumpirma kung ipinagbabawal ba o hindi ng partner na bansa ang pag-import ang halamang nakatakdang i-export, kung may requirement o hindi ng partner na bansa para sa espesyal na inspeksyon, o kung may import permit para sa mga halamang nangangailangan ng permiso para dalhin sa bansa. Ayon sa nire-require na quarantine ng partner na bansa, isinasagawa ang iba’t ibang inspeksyon tulad ng pagtitiyak kung may nakadikit na peste o parasitong sakop ng quarantine. Para sa mga halamang nangangailangan ng espesyal na kondisyon ng quarantine tulad ng growing site inspection, maaaring matagalan ang inspeksyon. Para sa mga detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit o kung saan binabalak na magpa-inspeksyon na Plant Protection Station.
 
 
Q2 Saan maaaring magpa-export inspection?
A Maaaring magpa-export inspection sa mga Plant Protection Station sa buong bansa bago ang araw ng pag-export o sa mismong araw nito. Mangyaring paunang magpareserba sa Plant Protection Station kung saan magpapa-inspeksyon. Depende sa kondisyon ng quarantine ng partner na bansa (kung ipinagbabawal ang pag-import o kinakailangan ang espesyal na inspeksyon tulad ng inspeksyon atbp. sa lugar kung saan nililinang ito; kung ipinagbabawal ang pag-import nito, kung kinakailangan ang paunang import permit at hindi nakakuha nito, atbp.), maaaring hindi tanggapin ang aplikasyon para sa export inspection. Mangyaring paunang makipag-uganayan ukol sa mga kondisyon ng quarantine sa Plant Protection Station o sa Plant Protection Organization sa partner na bansa, o sa embahada sa Japan.
Ministry of the Foreign Affairs website: https://www.mofa.go.jp/about/emb_cons/protocol/index.html
Plant Protection Station Impormasyong Madaling Hanapin para sa mga Turista: https://www.maff.go.jp/pps/j/introduction/tagalog_exp.html#chart

 
Q3 Isinasagawa ba ang export inspection sa kabuuang bilang ng halaman?
A Sa pagsasagawa ng export inspection, kinukumpirma muna ang kabuuang lot at pagkatapos noon, nagsa-sample ng takdang bilang ayon sa uri/bilang ng halaman. Bukod dito, mangyaring paunang unawain na maaaring buksan ang packaging/balot para sa inspeksyon, at magsagawa ng destructive inspection (paghiwa ng prutas atbp.) sa mga halamang hinihinalang may nakadikit na peste.

 
Q4 Gaano katagal ang kinakailangang oras para sa export inspection?
A Kung walang espesyal na requirement mula sa partner na bansa tulad ng growing site inspection o laboratory assay, sa karaniwan ay nangangailangan ng 30 minuto hanggang 1 oras mula sa pagpuno ng aplikasyon hanggang sa export inspection at pag-iissue ng certificate. Gayunpaman, kung paunang nagpareserba ng inspeksyon at aplikasyon, matatapos ito sa hindi lalagpas sa 15 minuto kung walang problema, kung kaya’t mangyaring magpareserba.

Q5 May bayad ba ang export inspection?
A Walang bayad para dito sa Japan.

 
Q6 Ano ang mangyayari kung mag-eexport ng halamang hindi na-export inspection?
A Kung nag-export nang hindi nagpa-inspeksyon, maaari itong maging bagay na ipinagbabawal ang importasyon sa partner na bansa, at kung hindi nito natutugunan ang mga requirement para sa importasyon, maaaring maparusahan ayon sa batas ng partner na bansa. Karagdagan pa, nakatakda sa Plant Protection Law na kung nire-require ng export partner na bansa ang export inspection, hindi ito maaaring i-export kung hindi ito pumasa sa inspeksyon. Para malaman kung kinakailangan ang pag-iwas sa epidemya sanhi ng pag-export, mangyaring paunang makipag-ugnayan sa malapit na Plant Protection Station o embahada sa Japan, o sa Plant Protection Organization ng export partner na bansa.

 
Q7 Ano ang dapat gawin upang makakuha ng import permit?
A Hindi ginagawa ang prosesong ito sa Plant Protection Station. Mangyaring kunin ninyo ito nang mag-isa o sa pamamagitan ng importer atbp. sa partner na bansa mula sa Plant Protection Organization ng partner na bansa.

 
Q8 Ano ang dapat gawin upang makapagdala ng bulaklak, prutas, atbp. sa paglalakbay sa ibang bansa?
A May mga bagay na maaaring dalhin kung magpapa-export inspection, ngunit mayroon ding mga bagay na ipinagbabawal na iimport ng partner na bansa, o nangangailangan ng paunang permiso (import permit) ng partner na bansa. Inirerekomenda naming paunang magtanong ukol sa mga kondisyon ng inspeksyon sa pinakamalapit na Plant Protection Station, sa Plant Protection Organization ng partner na bansa, o sa embahada sa Japan. Bukod dito, maaari ring kumpirmahin ang mga kondisyon sa quarantine sa “Impormasyong Madaling Hanapin para sa mga Turista.”

 
Q9 Maaari bang magpadala ng halaman sa ibang bansa sa pamamagitan ng internasyonal na koreo o internasyonal na courier?
A Dahil may mga restriksyon sa pag-import ng halaman ayon sa paraan ng pagpapadala nito depende sa bansa, may mga kaso kung saan hindi ito maaaring ipadala sa koreo o sa courier. Mangyaring paunang magtanong sa Plant Protection Station kung mayroong regulasyon ang partner na bansa. Kung kinakailangan ang export inspection, mangyaring magpa-inspeksyon sa Plant Protection Station. Isa pa, mukhang mayroon ding mga internasyonal na courier na hindi tumatanggap ng pag-export ng mga halamang nangangailangan ng inspeksyon, kung kaya’t paunang magtanong sa internasyonal na courier.

 
Q10 Ano ang dapat gawin upang makapagpadala ng mga punla at binhi sa mga kakilala sa ibang bansa?
A Depende sa partner na bansa at sa uri ng halamang ipapadala, mayroong mga bagay na ipinagbabawal ang importasyon, mga bagay na kinakailangan ang paunang permiso (import permit) ng partner na bansa, at inspeksyon sa pinagtanimang lugar. Bukod dito, ipinagbabawal ng maraming bansa ang importasyon ng lupa, kung kaya’t mahirap magpadala ng mga punlang may nakadikit na lupa. Mangyaring paunang magtanong ukol sa mga kondisyon ng quarantine sa pinakamalapit na Plant Protection Station, o magtanong sa Plant Protection Organization ng partner na bansa, o sa embahada sa Japan. Maaari ring kumpirmahin ang mga kondisyon ng quarantine sa “Impormasyong Madaling Hanapin para sa mga Turista” at “Detalyadong Impormasyon ng mga Kondisyon sa Pag-export.” Karagdagan pa, mayroong restriksyon sa paglalabas sa ibang bansa ng mga naka-rehistrong variety na pinoproteksyunan ng Plant Variety Protection and Seed Act.
Para sa mga detalye, mangyaring kumpirmahin ang website ng Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries.http://www.hinshu2.maff.go.jp/en/en_top.html

 
Q11 Paano isinasagawa ang growing site inspection?
A Pumupunta ang Plant Protection Officer sa pinagtanimang lugar upang magsagawa ng inspeksyon alinsunod sa panahon kung kailan lumalabas ang mga sakop na peste. Nag-iiba ang paraan ng inspeksyon, bilang, panahon, atbp. ng growing site inspection alinsunod sa export partner na bansa, halamang i-eexport at sa uri ng pesteng sakop nito. Para sa panahon atbp. ng inspeksyon, mangyaring paunang makipag-coordinate sa Plant Protection Station na nasa hurisdiksyon ng pinagtanimang lugar.

 
Q12 Ano ang mga uri ng halamang nangangailangan ng growing site inspection?
A Ilang halimbawa ay ang binhi ng Brassicaceae papunta sa India, Japanese white pine bonsai papunta sa EU, prutas ng peras papunta sa Australia, Satsuma mandarin papunta sa USA at New Zealand. Sa nakalipas na taon, dumarami ang mga bansang nagre-require ng growing site inspection para sa mga binhi at bagong-sibol , kung kaya’t paunang magtanong sa Plant Protection Station.

 
Q13 Kailangan ba ng inspeksyon kung magdadala sa ibang bansa ng preserved flowers?
A Mayroong mga bansang nangangailangan ng export inspection at mga bansa kung saan maaaring magdala nito nang walang export inspection. Bukod dito, dahil mataas ang antas ng pagpoproseso sa preserved flowers, mayroon ding mga bansa kung saan hindi ito sakop sa plant quarantine, kung kaya’t inirerekomenda naming paunang magtanong sa pinakamalapit na Plant Protection Station o sa Plant Protection Organization ng partner na bansa, o sa embahada sa Japan.

 
Q14 Maaari bang i-export ang Japanese white pine bonsai?
A Mayroong mga bansa kung saan maaari itong i-export kung may export inspection, at mga bansa kung saan ipinagbabawal ang pag-export nito. Bukod dito, ipinagbabawal sa maraming bansa ang pag-export ng lupa at dahil ang bonsai na nakatanim sa lupa ay kasama rin sa ipinagbabawal na i-export, mangyaring magtanong sa pinakamalapit na Plant Protection Station o sa Plant Protection Organization ng partner na bansa, o sa embahada sa Japan. 

 
Q15 Kailangan ba ng inspeksyon kung mag-eexport ng punla ng cactus o orchid?
A Dahil naiiba ito ayon sa bansa kung saan i-eexport, mangyaring magtanong sa pinakamalapit na Plant Protection Station o sa Plant Protection Organization ng partner na bansa, o sa embahada sa Japan. Karagdagan pa, mayroon ding mga cactus, orchid atbp. na may regulasyon sa importasyon alinsunod sa Washington Convention.
Para sa mga detalye, mangyaring kumpirmahin ang website ng Ministry of Economy, Trade and Industry. https://www.meti.go.jp/english/policy/external_economy/CITES/about_cites.html

Q16 Kailangan ba ng inspeksyon kung mag-eexport ng damong-dagat?
A Mayroon ding mga bansa kung saan sakop ng plant quarantine ang damong-dagat. Mangyaring magtanong sa pinakamalapit na Plant Protection Station o sa Plant Protection Organization ng partner na bansa, o sa embahada sa Japan.


Q17 Mayroon bang ibang mga regulasyon atbp. maliban sa plant quarantine kapag mag-eexport ng halaman sa ibang bansa?
A ・May restriksyon sa pagdadala sa ibang bansa ng mga nakarehistrong variety na pinoproteksyunan ng Plant Variety Protection and Seed Act na nauugnay sa New Plant Variety /Breeder’s Right.
http://www.hinshu2.maff.go.jp/en/en_top.html
Mayroong mga bansang may restriksyong nauugnay sa radioactive material na may kinalaman sa TEPCO Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant Accident.
https://www.maff.go.jp/e/export/reference.html
Mayroong mga halamang may restriksyon sa kalakalan alinsunod sa CITES (Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora) (Washington Convention).
https://www.meti.go.jp/english/policy/external_economy/CITES/about_cites.html