Tungkol sa Sistema ng Quarantine ng mga Bagay na Ini-export
Sa Plant Protection Station, nagsasagawa ng export inspection na naaayon sa nire-require na kondisyon ng export partner na bansa para sa plant quarantine sa layon na pigilin ang pagpasok at paglaganap ng mga peste.
Patakaran sa paglalabas ng halaman mula sa Japan papunta sa ibang bansa
Depende sa export partner na bansa at rehiyon kung saan mag-eexport at sa uri ng halaman, maaari itong maging ipinagbabawal na halaman, o mangailangan ng export inspection.
Proseso sa paglabas ng halaman papunta sa ibang bansa (daloy ng export inspection)
Proseso sa paglabas ng halaman papunta sa ibang bansa (daloy ng export inspection) Hindi kinakailangang magbayad para sa export inspection ng halaman at para kumuha ng plant quarantine certificate.
Mga paliparan kung saan mayroong Export Quarantine Counter
Maaaring magpa-export inspection ng mga halaman sa mga Export Quarantine Counter sa loob ng mga sumusunod na paliparan:
New Chitose Airport(PDF:380KB) 3F CIQ Showroom, International Passenger Terminal Building
Haneda Airport(PDF:467KB) 3F malapit sa Check-in Counter “L,” International Passenger Terminal Building
Narita Airport(PDF:196KB) 4F North Wing, Terminal 1; 3F North Group Counter #32, Terminal 2
Chubu Airport(PDF:181KB) Passenger Terminal 1 (3rd Floor), malapit sa Airline Check-in Counter A
Kansai Airport(PDF:384KB) 4F malapit sa North Departure Gate, Terminal 1 North Building
Fukuoka Airport(PDF:261KB) 3F sa kabila ng South Side Check-in Counter “M,” International Terminal Building
Kondisyon ng mga export partner na bansa para sa pag-quarantine
Nakalathala ang mga kondisyon sa pag-quarantine na nire-require ng mga export partner na bansa at rehiyon kapag mag-eexport ng mga tipikal na halaman (tulad ng mga prutas, gulay atbp.) bilang kargamento o padala sa koreo, o di kaya’y kapag nilalabas ang mga ito bilang bitbit na bagahe (handcarry).
Madaliang Talaan ng mga Kondisyon ng Pag-export (Kargamento) (PDF:190KB) (English)
Madaliang Talaan ng mga Kondisyon ng Pag-export (Padala sa Koreo) (PDF:190KB) (English)
Madaliang Talaan ng mga Kondisyon ng Pag-export (Bitbit na Bagahe/Handcarry) (PDF:190KB) (English)
Paalala sa Paggamit
Inaasahan ang lubos na katiyakan ng mga nakalathalang impormasyon dito, ngunit maaaring mag-iba ito sa tunay na nilalaman dahil sa pagbabago sa pinagmulang patakaran ng ibang bansa. Kapag aktuwal nang mag-eexport, inirerekomenda naming tiyakin muna sa pamamagitan ng mga nauugnay na tao tulad ng tao atbp. na tatanggap ng kargamento ang pinakabagong kondisyon sa pagtanggap ng partner na bansa sa nangangasiwang awtoridad ng agrikultura o awtoridad ng plant quarantine sa bansa kung saan mag-eexport. Maari ring kumpirmahin sa embahada sa Japan ng naaangkop na bansa. Bukod dito, ang mga kondisyon sa pag-quarantine na nakalista dito ay ang mga requirement para sa plant quarantine ng bawat bansa. Kahit na nakasaad dito na maaari itong ma-import, maaaring magkaroon ng restriksyon sa pag-import nito nang dahil sa Washington Convention at iba pang batas atbp. ng bawat bansa.
Para sa mga item at kondisyon sa pag-quarantine ng export partner na bansa at rehiyon na hindi nakalista sa madaliang talaan sa itaas, mangyaring makipag-ugnayan sa Plant Protection Station, sa Plant Protection Organization sa export partner na bansa o rehiyon, o sa embahada sa Japan.
Aplikasyon para sa Export Inspection ng mga Halaman atbp.
Kailangang isumite ang application form para sa export inspection para makatanggap ng inspeksiyon. Dahil ilalabas ang Plant Quarantine Certificate sa Wikang English, dapat isulat sa Wikang English ang application form para sa export inspection ng mga halaman at mga produkto ng halaman. Puwedeng i-download mula rito ang application form (Format: Microsoft Word / Laki ng data: 96 KB). Tingnan ang sampol na ito kung paano punan.
・Pangalan ng magkakargang barko (eroplano) | Isulat ang pangalan ng barko o eroplanong magdadala ng mga halamang i-eexport. Gayunpaman, kung hindi matukoy ang pangalan ng barko o eroplano, o kung ang mag-eexport sa pamamagitan ng koreo o pagdadala bilang bagahe, mangyaring isulat ang paraan ng pag-eexport (Cargo sa barko <SHIP CARGO>, Cargo sa eroplano <AIR CARGO>, Bitbit na bagahe <BAGGAGE>, Koreo <MAIL>, atbp.). |
・Code at numero | Isulat ang code, atbp. (Kung isusulat sa sertipiko) na ilalakip sa packaging ng mga halamang i-eexport. Kung walang code sa packaging para makilala ito, isulat ang <NONE> |
・Nakatakdang petsa ng pagkarga | Mangyaring isulat ang nakatakdang petsa kung kailan ikakarga ito sa eroplano o barko. Gayunpaman, kung mag-eexport gamit ang koreo ay hindi na ito kailangang isulat. |
・Pangalan ng loading port | Mangyaring isulat ang pangalan ng paliparan o daungan kung saan ikakarga ito, sa eroplano o barko. Gayunpaman, kung mag-eexport gamit ang koreo ay hindi na ito kailangang isulat. |
・Pangalan ng port of discharge | Mangyaring isulat ang pangalan ng daungan/paliparan ng partner na bansa kung saan darating. Gayunpaman, kung mag-eexport gamit ang koreo ay hindi na ito kailangang isulat. |
・Pangalan ng bansang nag-iimport | Isulat ang pangalan ng export partner na bansa. |
・Pangalan at address ng consignor | Isulat ang pangalan at address ng consignor ng mga halamang i-eexport. |
・Pangalan at address ng consignee | Isulat ang pangalan at address ng consignee ng mga halamang i-eexport. |
・Import permit number ng gobyernong mag-iimport | Isulat ang import permit number na inissue ng pamahalaan ng patutunguhang bansa. Kung hindi kailangan ng import permit, hindi kailangang sulatan ito. |
・Uri/Pangalan | Isulat ang uri (pangalan sa Ingles) ng halamang i-eexport. Kung kinakailangan, isulat din ang pangalan ng uri, brand, lot number, atbp. |
・Scientific name | Isulat ang scientific name ng halamang i-eexport. |
・Bilang ng package | Isulat ang bilang ng packaging at mga yunit (bilang ng kahon, bag, atbp.) ng halamang i-eexport. |
・Bilang | Isulat ang bilang at yunit (bigat, bilang ng halaman, atbp.) ng mga halamang i-eexport. Ngayon, kung isusulat ang bilang o dami ng mga buto, isulat din ang bigat nito. |
・Pinagmulang lugar | Isulat kung saan nanggaling ang halamang i-eexport. Kung nanggaling sa ibang bansa maliban sa Japan, isulat ang pangalan ng pinagmulang bansa. |
・Takda | Kung alinsunod sa requirment ng mga mag-iimport na bansa ay mag-didisinfect ng mga halamang i-eexport, atbp., o kung may mga iba pang mga bagay na kailangang idagdag sa implementasyon ng export inspection, isulat ang mga detalye ng mga ito. |