Tungkol sa Export Inspection
Ang export inspection ay isinasagawa upang malaman kung natutugunan ng mga halamang i-eexport mula sa Japan ang mga kondisyon ng plant quarantine ng export partner na bansa.
(輸出検査は、日本から輸出される植物がこれら輸出相手国の植物検疫の条件に適合しているかどうかについて行います。)
Ang mga pasado sa export inspection ay i-issuehan ng “Plant Quarantine Certificate (tinatawag ding phytosanitary certificates o certificate of conformance,” kung kaya’t mangyaring ilakip ang certificate na ito sa i-eexport na halaman.
(この輸出検査に合格したものについて、「植物検疫証明書を発給しますので、この証明書を輸出植物に添付し輸出してください。)
Daloy ng Export Inspection
Mangyaring isumite ang aplikasyon para sa inspeksyon ng i-eexport na halaman, ang “Aplikasyon para sa Export Inspection ng mga Halaman atbp. sa Plant Protection Station kung saan magpapa-export inspection.
(輸出植物の検査申請は、「植物等輸出検査申請書」を輸出検査を受けようとする植物防疫所に提出してください。)
Kung may nakuhang “import permit” mula sa export partner na bansa, mangyaring ilakip ang kopya nito.
(輸出相手国の「輸入許可書」を取得している場合は、コピーを添付してください。)
Maaaring matagalan ang export inspection depende sa nag-eexport na bansa, item, at kondisyon ng plant quarantine ng export partner na bansa. Upang maging maayos ang pagpapa-inspeksyon bago ang nakatakdang araw ng pag-export, hinihiling naming ang inyong kooperasyon na pauna munang kumonsulta sa Plant Protection Station bago mag-apply.
(輸出国、品目、輸出相手国の植物検疫の条件によっては輸出検査に長時間を要する場合があります。輸出予定日までに円滑に受検できるよう、事前に植物防疫所と相談の上で申請されるようご協力をお願いします。)
Ang export inspection ay pangunahing isinasagawa sa Plant Protection Station ngunit kung kinakailangan, maaari rin itong isagawa sa lugar kung saan kinokolekta ang mga kargamentong i-eexport na halaman.
(輸出検査は基本的に植物防疫所で行いますが、必要があれば輸出植物の集荷地などで行うこともできます。)