このページの本文へ移動

動物検疫所

メニュー

Mga Katanungan sa mga Dayuhan


Tatanungin kayo ng kawani ng Animal Quarantine Service (health official ng mga hayop) kung may dala kayong mga damit, sapatos, o anumang gamit na ginamit o sinuot ninyo nang kayo ay pumunta sa mga pasilidad na nag-aalaga ng mga hayop tulad ng mga rantso o alagaan ng baka.

Nais naming hingin ang pang-unawa at pakikiisa ng lahat.

 

Palatanungan

Ang mga sumusunod ay mga katanungan para sa mga dayuhan

Q1. May dala ka bang processed meat tulad halimbawa ng hamon o sausage?
logistics
Q2. Pumunta ba kayo sa mga pasilidad na nag-aalaga ng mga hayop o rantso na nag-aalaga ng mga baka, baboy, o manok nitong nakaraang isang linggo?

Q3. Mayroon ka bang dala ngayon na lumapat sa lupa ng rantso kung saan mayroong mga dumi o ihi ng hayop?

Q4. May plano ba kayong humawak o pumunta sa mga pasilidad ng mga hayop sa Japan sa loob ng isang linggo?

 

Pamaraan ng Pagtatanong

Ang pagtatanong ay ipapaalam sa mga pasahero sa pamamagitan ng pag-brodkast sa eroplano o barkong sinasakyan at mga terminal ng pasahero. Ito ay gagawin sa mga eroplano o barko na mula sa mga bansa kung saan talamak ang foot-and-mouth disease at hog cholera, gayundin sa mga manggagaling sa mga lugar na tulad ng Africa.

Minsan, ang mga kawani ng Animal Quarantine Service ay direktang nagtatanong sa mga pasahero sa oras ng kanilang pagdating.

 

Pamaraan ng pagsagot 

1. Tama sa item ng palatanugan. (Para sa mga sasagot ng "Oo")

Sa inyong pagdating sa Japan, pumunta sa estasyon ng Animal Quarantine Service na makikita sa inspection hall ng Customs.

Susuriin, didisimpekta, o itatapon ang dalaing mga kalakal. Gagawin din ang kaukulang gabay sa kalusugan.

 

2. Hindi tama sa item ng palatanugan. (ang lahat ng sagot ay "Hindi")

Agad na ipaalam sa Customs na wala kayong dalang karne, hamon, sausage o iba pang bagay na saklaw ng inspeksyon.

 

Inspeksyon, isterilisasyon ng mga gamit, tagubilin para sa kalinisan

1. Inspeksyon at isterilisasyon ng mga gamit

Ang pathogen na sanhi ng nakakahawang sakit ay maaring kumalat sa pamamagitan ng mga damit at sapatos na inyong suot.

Dahil dito, ang mga gamit ay isasailalim sa inspeksyon at isterilisasyon kung kinakailangan.

 

<Halimbawa para sa isterilisasyon>

Mga damit, sapatos at kagamitan na maaring kapitan ng pathogen.

 

<Halimbawa ng pamaraan ng isterilisasyon>

Magpapasirit ng disinfectant, ozone gas, at iilawan ng ultraviolet rays.

 

2.  Tagubilin para sa kalinisan

Magbibigay ng mga tagubilin tungkol sa kalinisan kabilang dito ang pag-iwas sa paghawak sa mga hayop at paglilinis ng katawan at mga damit na inyong suot nang kayo ay pumunta o bumisita sa isang pasilidad na nag-aalaga ng mga hayop.

 

Mga Karaniwang Tanong

Q:Mayroon bang sugnay na kung saan nakasaad ang pagpapataw ng parusa?

A:Kung kayo ay magbibigay ng maling kasagutan o tatanggi sa inspeksyon o isterilisasyon, maari kayong patawan ng multa na hindi hihigit sa 300,000 yen.

Mangyaring suriin ang pahinang ito para sa iba pang mga katanungan.


Ito ay isang halimbawa ng ilang mga placard na ginagamit ng mga opisyal ng Animal Quarantine sa panahon ng verbal questioning.
placard_1
placard_2


   

Upang makita ang PDF files, kailangan ninyo ng Adobe Acrobat Reader. Kung wala kayong Adobe Reader, i-download ito mula sa banner link.Adobe Readerのダウンロードページへ